Tuesday, March 15, 2005

Mistulan Nang Nawawala

Hirap na sa paghuhula
Dinadala lang ng pasensya
Naghahanap ng kasagutan
Namumuhay sa pangarap
Ngumingiti sa mga alaala
Nagdadalamhati sa nadarama
Hinahanap ang kasiyahan
Sa lugar na hindi kaniya

Hindi kailanman naanyayaan
Ng kamahalan at karangyaan
At patuloy na inaasa ang inaasam
Sa hindi naman nakakakita
Habang patuloy na idinidikta
Ang mga naisususlat na tula
Sa hindi naman makaunawa

Hindi humihingi
Naghahanap lamang
Ng kaunting pagtutulak
At pagpapaalala
Kung ang ginagawa'y mali na
O kung may tatahakin pang pag-asa

No comments:

Post a Comment