Thursday, March 17, 2005

hindi ko alam

Hinagpis ng pagluha
Kabigatang hindi maintindiham
Inis na hanggang ngayo'y nararamdaman
Ng isang pusong basta na lang iniwanan

Walang pasabi man lang
Biglang ibang landas na ang kinuhanan
Hindi na muling itinahak
Ang kalsadang parating dinadaanan

Parang tinalikuran na lamang
Ng Hudas na walang pakialam
Wala man lang kinikilingan
At walang iniisip man lang

Hindi na siguro maipapawi
Ang tadyak na nadama ko
Sa bawat pagsulong sa baha
Nadarama ko parin ang pagluha

1 comment:

  1. Anonymous10:57 PM

    =,( touched me to gut level - cris

    ReplyDelete