Monday, May 29, 2006

huwag susuko

at kung sakaling nagiisa ka diyan
huwag magwaring ako'y iyong sasandalan
hindi kita iiwanan, hindi tatalikuran

at sa pagusbong ng bukas ay malungkot parin
huwag magatubiling ako'y iyong hanapin
lahat ay gagawin, lahat sisiskapin

pero kung ikaw rin ang umayaw
wala akong magagawa
buhay mo pagaari mo
wala nang iba

sana maintindihan mo lang
na lahat ng bagay ay may katuturan
lahat ng pangyayari'y may pinanggagalingan
lahat ng ginagawa mo'y may kahulugan

siguro nga mahirap kung minsan
pero ito lang ang aalalahanin sana,
maaalala ba ang ligaya kung hindi dadaan sa baha?