Friday, November 18, 2005

headshot

ba't 'di ka matuwa?
ngawa ka nang ngawa
sapul ako, oo
pero 'di ako tanga

dati na kasi akong pinaso
sinasabi ko sa'yo
kaya takot akong tumaya
masakit kasing madapa

kung may tutunguhan ba
sabihan mo ako
'di ako manghuhula
'di lahat alam ko

sapul ako, oo
pero 'di ako tanga
kung ayaw mo sa akin
puwes bahala ka na

hindi ko masasabi
na 'di ako masasaktan
gusto nga kita
kaya natural na 'yan

kung gusto mo ako
ipakita mo man lang
tao ako, nakararamdam
hindi bato na walang pakialam

sapul ako, oo
pero 'di ako tanga
sana maintindihan mo
na minamahal kita

Wednesday, November 09, 2005

sembreak

isang buwan halos
panahon para utak ay mapahinga
oras upang katawa'y kumalma

hindi nga lang napigil
ang puso sa panggigigil
sa pagtibok

utang na loob
saklolo
ayoko nang lumubog

Tuesday, November 08, 2005

ang lamig ng oktubre ko

hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa'yo
hindi natatanto kahit na anino mo

para kang bato
napakatigas mo

ang lamig ng oktubre ko
akala mo parang pasko

ni sambit man ng mga bati ko
hindi nasasagot ng simpleng "hello"

eh ano bang gagawin ko
dito sa nararamdaman ko para sa'yo?

magpapakagago ba ako?
dahil ikaw ang gusto ko?

nawindang ang mundo ko
mula nang pinasok mo ito

pero mga pahapyaw ko'y 'di mo nasalo
mastalo pa ako sa tumaya ng lotto