Friday, November 18, 2005

headshot

ba't 'di ka matuwa?
ngawa ka nang ngawa
sapul ako, oo
pero 'di ako tanga

dati na kasi akong pinaso
sinasabi ko sa'yo
kaya takot akong tumaya
masakit kasing madapa

kung may tutunguhan ba
sabihan mo ako
'di ako manghuhula
'di lahat alam ko

sapul ako, oo
pero 'di ako tanga
kung ayaw mo sa akin
puwes bahala ka na

hindi ko masasabi
na 'di ako masasaktan
gusto nga kita
kaya natural na 'yan

kung gusto mo ako
ipakita mo man lang
tao ako, nakararamdam
hindi bato na walang pakialam

sapul ako, oo
pero 'di ako tanga
sana maintindihan mo
na minamahal kita

1 comment:

  1. Anonymous12:29 AM

    coloy, isa ka pa lang magaling na manunulat at tagalog pa ang ginamit mong wika! haha!:) hindi promise, ang ganda! nice!:)

    ReplyDelete