Tuesday, November 08, 2005

ang lamig ng oktubre ko

hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa'yo
hindi natatanto kahit na anino mo

para kang bato
napakatigas mo

ang lamig ng oktubre ko
akala mo parang pasko

ni sambit man ng mga bati ko
hindi nasasagot ng simpleng "hello"

eh ano bang gagawin ko
dito sa nararamdaman ko para sa'yo?

magpapakagago ba ako?
dahil ikaw ang gusto ko?

nawindang ang mundo ko
mula nang pinasok mo ito

pero mga pahapyaw ko'y 'di mo nasalo
mastalo pa ako sa tumaya ng lotto

1 comment:

  1. Anonymous2:36 PM

    kala mo ikaw lang malamig ang oktubre ah?! ako din. punyeta. ang lamig talaga. kaya ewan ko. nyeta!

    ReplyDelete