Tuesday, November 02, 2010

Bago Ang Lahat

Bago ko pa man aminin sa iyo,
Kailangan ko munang aminin sa sarili ko.

Ang bawat salimuha't nararamdaman ko,
Ang lahat ng nais sambitin nitong puso.

Na ikaw ang siyang nasa isip,
Mula sa pag-gising hanggang sa panaginip.

Na pagbati mo ang siyang pinaka-aabangan,
Ano pa man ang aking pinagkaka-abalahan.

Na dahil sa'yo muling nagkaroon ng inspirasyon,
Magsulat ng mga salitang nagkaipon-ipon.

Na kung hindi ka sana nakilala,
Tuloy pa rin sana sa pagbabale-wala.

Na kung sa buhay ko'y hindi ka pa pumasok,
Hindi na muling mararamdaman ang pagtibok.

No comments:

Post a Comment