Wednesday, June 28, 2006

nang minsang maging masama si katotohanan

lasing sa alamat ng kahapon
hindi mabatid kung saan maparoroon
ayaw pumayag sa bukas na kagigisnan
hindi matanggap na magsisigisingan

bukas, nariyan na si katotohanan

lumilipad sa mga ulap
walang humpay na pag-uusap
masasarap na pag kantahan
luha ay hindi mapigilan

bukas, nariyan na si katotohanan

sa dagat walang humpay na lumalangoy
kung anu-anong lugar ang naitataghoy
masarap sanang baybayin ang kalawakan
nakakalungkot na pagisipan

bukas, nariyan na si katotohanan

lumilipas ang oras sa paglalaro
kasiyahan sa puso'y hindi maitago
umiinog ang lahat sa katuwaan
ang hirap mabitawan ang kabataan

pero...

bukas, nariyan na si katotohanan

No comments:

Post a Comment