Wednesday, June 21, 2006

magsalamin muna sa umaga

iba-iba lang talaga lahat ng tao
mabuburat ka at maiinis sa kanila

may iba nariyan lang kapag may kailangan
may iba naman sariling mundo ang iniinugan

yung iba trip mayaman, mahirap naman
yung iba tila masaya, sira ulo pala

yung iba hindi maaasahan
yung iba tila parang pampunas lang

mayroon ring mga walang sariling utak
mayroon ring hindi mo alam kung ano ang balak

may iba b.i.
may iba hindi mo alam, yun pala nbi

mayroon namang nagpapanggap na santo't santa
mayroon ring mga demonyo lang talaga

may mga nagmamarunong
may mga nagtatangatangahan lang

may mga kulang sa pansin as sigi lang sa pagyabang
may mga sobra naman sa kabaitan magtataka ka na lang

maraming magsasang-ayon sa akin, diba?
pero teka, teka lang muna

nanalamin ka na ba't naghilamos?
nilinis mo na ba iyong mga muta mo?

'yang tuyong laway mo?
'yang luga sa tenga mo?

bago tayo mangutya ng iba
manalamin muna sa umaga

No comments:

Post a Comment