Sunday, March 20, 2011

Simple Lang Ang Hiling Ko

Kaunting lambing lang at pagsumamo ang siyang hinihingi ko sa'yo,
Upang humupa ang kalungkutang lumulugmok sa puso't isipan ko.

Lalo lang kasi nadaragdagan ng luha't simangot,
sa bawat walang emosyon mong mga sagot.

Na parang wala kang ganang ipaglaban ang ating mga napagplanuhan
At kung may dahilan ka ngunit hindi mo sasabihin, hindi ko malalaman.

Parang wala lang kasi sa iyo ang mga nabuwag na plano
Tagung-tago ang mga emosyon mo sa kahong gawa sa yelo.

No comments:

Post a Comment