Friday, March 17, 2006

bukas

hinihintay ang iyong ngiti
inaabangan na iyong mapawi
ang kalungkutan ngayong gabi
sa presensya mong mapalamuti

ngayon ika'y nasa malayo
ngunit nanakubli parin sa aking puso
na inaasam ang iyong pagbalik
at sasalubungin ka ng halik

sa iyo namulat nang muli
at pumanaw ang pagkasawi
sa iyo muling nabuhayan
at nawala ang lahat ng kasinungalingan

sana'y sa iyong pagdating
ang lahat ay pareho pa rin

No comments:

Post a Comment