Saturday, January 07, 2006

nakita ka pa talaga

di ka nalang sana nakita
e kasama pa pala kita
sa grupong binuo
ng mga taong gustong matuto

nagunita ka lang
gumuho na pati ang buwan
hindi man namalayan
ikaw pa rin ang nilalaman ng pusong naguguluhan

hindi ko talaga alam
kung dapat ba siya'y sundan
at mawalan na ng pakialam
sa magpakailanman

wala naman kasing nangyari
sa ating dalawa
bago pa man masimulan
hinarangan mo na ang daanan

e aasa pa ba ako
sa bukas na walang kasiguraduhan
sa pintong nakasarado
sa pusong walang pahintulot?

nalulungkot ako, aamin ako sa iyo
na sana'y nabigyan man lang ako
ng pakakataong mapakilala ang totoo kong pagkatao
at kung sino ba talaga ako

wala akong sinisisi
wala ka namang kasalanan
sana lang maintindihan
ang isang taong may ipinaglalaban

ipinaglalabang pagmamahal
sa taong hindi man lang makakita
ay ewan ko ba
sana man lang magsisi ka

No comments:

Post a Comment