At kung akala mo’y nag-iisa ka,
Magdalawang-isip ka muna.
Minsan hindi natin alam,
Ang kasaguta’y nariyan lamang.
Marahil dala lang ng agaw-dilim,
Nang akalain walang nagmamahal sa atin.
Maghintay ka lang at lalabas rin,
Ang mga talang nagnining-ning.
At kung ikaw naman ay lamigin,
Tahan na’t sayo’y may magkukumot rin.
Tatabihan ka at hangin ay pauurungin.
Bubulungan ka ng naka-aayang tugtugin.
Paliliguan ka ng masalimuhang salita.
Aakbayan ka’t yayakapin ka.
Hanggang sa makatulog ka na,
At mapanaginipang araw mo’y siskat rin.
No comments:
Post a Comment