Thursday, March 01, 2007

Snakes and Ladders

Sana matutunan natin muli
Kung paano makipagkilala
Kung paano maging malapit

Ayaw ko na kasi sana
Mawala ang himig
Ng ating kanta

Huwag na sanang maulit
Na tayo’y magkalayo
Oras ang tanging susi


Sundan ang mga hagdan
At huwag ang mga ahas
Nang di maligaw ang landas

Sana payagan mo ako
Makapasok muli sa mundo mo
Huwag sana iwalang bahala ang mga katok ko

Sawa na akong magkamali
Ayaw ko nang tumigil sa gitna
Sana sumangayon ka

minsan nagiging baduy talaga ako

Kahit paulit-ulit ang damit
Kahit na namantsahan, natanggalan ng tahi
Kahit na di nakapaghilamos
Kahit na sira pa ang sapatos

Hindi kailangang suot mo’y bago
Hindi ka man nakapagpabango
Hindi nakapagsipilyo
Hindi ayos ang kwelyo

Kahit na may muta
Kahit mukhang batang pariwara
Kahit amoy sigarilyo
Kahit magaspang ang kamay mo

Hindi itsura mo ang importante sa akin
Hindi yun ang umakit sa akin
Hindi damit mong swabe o bago mong relo
Hindi sapatos mong balat na gawang italyano

Ikaw lang ang imporante
Ikaw ang reyna sa palasyo
Sabihin mo mang baduy ako
Tapat ang tula ng puso ko

Wednesday, February 14, 2007

sa tuwing gabi't nag-iisa

At kung akala mo’y nag-iisa ka,
Magdalawang-isip ka muna.
Minsan hindi natin alam,
Ang kasaguta’y nariyan lamang.

Marahil dala lang ng agaw-dilim,
Nang akalain walang nagmamahal sa atin.
Maghintay ka lang at lalabas rin,
Ang mga talang nagnining-ning.

At kung ikaw naman ay lamigin,
Tahan na’t sayo’y may magkukumot rin.
Tatabihan ka at hangin ay pauurungin.
Bubulungan ka ng naka-aayang tugtugin.

Paliliguan ka ng masalimuhang salita.
Aakbayan ka’t yayakapin ka.
Hanggang sa makatulog ka na,
At mapanaginipang araw mo’y siskat rin.

Tuesday, January 16, 2007

hello

hello
is the strongest word i know

where roads,
once parallel,
divulge

where an inverted ellipse,
a cross-eyed blankness,
erase

when two five pointed figures
two surfaces,
intertwine

when two pairs of red ovals,
fit perfectly

and two stars
close in passion

and then,
there is goodbye...

Monday, January 15, 2007

paano kaya kung

Sana alam mo nalang
Lahat ng aking nararamdaman
Lahat ng nilalaman
Ng puso ko’t isipan

Baka kasi masmaganda
Ang pagdidikta sakin ng tadhana
Kaysa sa ganito
Parang batang nawawala

Wari kasi kung saan pupunta
‘Di maintindihan ang turo ng mga tala
Marahil ganito nga
Ang siyang sa akin itinakda

Manghula na muna kung anung kalalabasan
Eh, ano nga naman ang buhay,
Kung bawat pag apak ay alam?
Hindi muna makipaglaro sa walang kasiguruhan