noong una, hindi sigurado
kung gagalaw at kikilos
iniisip na hindi nararapat
ang tulad ko sa kaniya
nahihiya at nagdadalawang isip
puso at utak, hindi umiimik
may pakiramdam na hindi, ni minsan, naranasan
nang siya'y biglang lumapit
tumabi siya't ngumiti
puso ko'y panandaliang napigil
ngumiti pabalik ng may hiya
nadinig ko ang kaniyang tawa
nagpakilala siya
kung kaya't ganun narin ako
mata ko'y di makatitig
kamay ko'y di mapakali
hindi alam ang sasabihin
hindi alam ang gagawin
parang batang naligaw
natatakot, ngunit di pinamimithi
parang isang torpeng tinulak
ipinabahala na ang pagkatapos
idinasal nalang sa Diyos
na ang sandaling iyon ay hindi na matapos
nakilala ko siya
nakilala niya ako
sa pagtapos nitong tula
magsisimula na ako
No comments:
Post a Comment