Alintana man ang nakaraan
Masakit man ang pinanggalingan
Mabaho man ang dinaanan
Sa simpleng ligaya ay nabubura
Sinaktan man ng hagupit
Kinaladkad man at pinasabit
Binastos at iwinalang-bahala
Magsaya't may bukas pa
Hindi na importante ang kahapon
Hindi na naaalala iyon
Kinalimutan na ang kahalagahan
At iniwan na ang kinasaktan
Hindi man mahilom ang sugat
Hindi na rin iniintindi ang sakit
Dahil wala nang pakialam
At hindi rin naman talaga nasaktan
Kathang-isip lamang na dati siya'y nariyan
Ngunit ang katotohanan
Guni-guni ko lamang
Masaya na, dahil sa wakas siya na ri'y nalimutan
No comments:
Post a Comment