Thursday, March 01, 2007

Snakes and Ladders

Sana matutunan natin muli
Kung paano makipagkilala
Kung paano maging malapit

Ayaw ko na kasi sana
Mawala ang himig
Ng ating kanta

Huwag na sanang maulit
Na tayo’y magkalayo
Oras ang tanging susi


Sundan ang mga hagdan
At huwag ang mga ahas
Nang di maligaw ang landas

Sana payagan mo ako
Makapasok muli sa mundo mo
Huwag sana iwalang bahala ang mga katok ko

Sawa na akong magkamali
Ayaw ko nang tumigil sa gitna
Sana sumangayon ka

minsan nagiging baduy talaga ako

Kahit paulit-ulit ang damit
Kahit na namantsahan, natanggalan ng tahi
Kahit na di nakapaghilamos
Kahit na sira pa ang sapatos

Hindi kailangang suot mo’y bago
Hindi ka man nakapagpabango
Hindi nakapagsipilyo
Hindi ayos ang kwelyo

Kahit na may muta
Kahit mukhang batang pariwara
Kahit amoy sigarilyo
Kahit magaspang ang kamay mo

Hindi itsura mo ang importante sa akin
Hindi yun ang umakit sa akin
Hindi damit mong swabe o bago mong relo
Hindi sapatos mong balat na gawang italyano

Ikaw lang ang imporante
Ikaw ang reyna sa palasyo
Sabihin mo mang baduy ako
Tapat ang tula ng puso ko